^

Probinsiya

Parak huli sa indiscriminate firing

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Inaresto ang isang aktibong pulis ng kaniyang kabaro matapos na ireklamo ito ng walang habas na pamamaril sa ere  sa loob ng isang kilalang subdivision sa Brgy.Loma de Gato, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kasong administratibo at kriminal ang kinakaharap ng suspek na si PO1 Michael Almonte, 31, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 2 at residente ng Florida Villas, Brgy. Loma De Gato, Marilao.

Sa ulat ni Supt. Gerardo Andaya dakong alas- 9:30 ng gabi, nag-iinuman ang suspek at mga kamag-anak ng kaniyang ka-live in sa nasabing lugar hanggang sa magtalo ito at ang kinakasama.

Nairita ang suspek na agad binunot ang kaniyang baril at nagpaputok ng apat na beses sa ere.

Nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya at nasakote ang suspek na nasamsaman ng isang Taurus 9 MM nabaril na may apat na basyo ng bala.

 

BRGY

BULACAN

FLORIDA VILLAS

GATO

GERARDO ANDAYA

INARESTO

LOMA DE GATO

MARILAO

MICHAEL ALMONTE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with