^

Probinsiya

10-anyos nagdala ng shabu sa iskul, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ginagamit ng sindikato ng droga ang 10-anyos na Grade III pupil matapos nasamsaman ng plastic sachet ng shabu na aksidenteng nahulog mula sa pagkakasingit mula sa notebook nito sa kanilang classroom sa Bacolod City kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. Santiago Rapiz, Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group Chief ng Bacolod City PNP ang bata ay itinago sa pangalang Luis bunga ng pagiging menor-de-edad nito.

Base sa imbestigas­yon, naghahanap ng ballpen ang bata nang malaglag sa notebook nito ang shabu na agad namang nakita ng kaniyang guro na ini-report ang insidente sa kanilang principal.

Dahil sa hinalang droga ang laman ng nasabing sachet ay itinawag nila ito sa pulisya kung saan nakumpirma namang positibong shabu ang laman ng plastic sachet.

Sinabi naman ni Rapiz na patunay lamang ito na ginagamit ng drug dealer ang mga bata bilang courier ng shabu.

Hindi naman tinukoy ng opisyal ang pangalan ng eskuwelahan sa pakiusap na rin ng principal.

Inalerto rin ang mga magulang ng mga estudyante na bantayang mabuti ang kanilang mga anak.

BACOLOD CITY

DAHIL

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP CHIEF

INALERTO

LUIS

PINANINIWALAANG

RAPIZ

SANTIAGO RAPIZ

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with