^

Probinsiya

Hotel hinoldap: 3 pinabulagta

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Napaslang ang security guard, roomboy at cashier matapos hol­dapin at ratratin ng riding-in-tandem gunmen ang isang hotel sa Lipa City, Batangas  kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Birung, hepe ng Lipa City PNP ang mga biktimang sina Jason Saralde ng Aquarius Security Agency; Bryan Roxas, 23, hotel cashier ng Brgy.Talumpok Kanluran, Batangas City; at si Hernel Roxas, 23, roomboy, pawang nagtatrabaho sa Garanda Inn sa B. Morada Street sa nasabing lungsod.

Idineklarang patay si Saralde sa Lipa Medix Hospital matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo habang namatay naman sa Mary Mediatrix Hospital sina Bryan at Hernel na nagtamo ng tama ng baril sa ulo at leeg na tumagos sa batok.

Base sa police report, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa tricycle driver matapos marinig nito ang mga putok ng baril sa nasabing hotel bandang alas-2 ng madaling-araw

Kaagad namang rumes­ponde ang pangkat ng pulisya kung saan natagpuan na lang ang mga biktimang nakabulagta sa may cashier’s office kung saan nawawala ang P10,000 koleksyon ng hotel.

Sa kasalukuyan ay walang lumutang na saksi para makilala ang mga holdaper habang narekober naman sa crime scene ang 3-basyo at 2 deformed slugs ng cal. 9mm pistol.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong alitan sa pagitan ng hotel cashier at isang guest na lalaki dahil tumanggi si Bryan sa kagustuhan ng guest na ang ipambayad sa renta ng kuwarto ay baril kung saan nagbanta pa.

vuukle comment

AQUARIUS SECURITY AGENCY

BATANGAS CITY

BRYAN ROXAS

CHRISTOPHER BIRUNG

GARANDA INN

HERNEL ROXAS

JASON SARALDE

LIPA CITY

LIPA MEDIX HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with