^

Probinsiya

Suspek sa masaker nagbigti sa selda

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isa sa dalawang detainee na sinasabing sangkot sa pagmasaker sa mag-asawa at dalawang anak noong 2012 ang nagbigti sa loob ng selda sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.


Kinilala ni P/Chief Insp. Romar Pacis, hepe ng pulisya ng Aparri, ang nag-suicide na si Virgilio Martinez, 48, ng Barangay Mabuno sa bayan ng Gattaran, Cagayan.


Nabatid na nadiskubre ang nakabiting katawan ni Martinez sa kisame ng kulungan dakong alas-12:30 ng madaling-araw noong Linggo.

Narekober naman ang suicide note sa higaan ng biktima.


Sa tala ng pulisya, sumuko si Martinez at isa pang kasamahang si Edwin Ventura noong Disyembre 5, 2012 sa Gattaran PNP matapos aminin ang pagmasaker sa mag-asawang Danny, 40; at Reymalyn Baguiwong, 33, mga anak na sina Reydan, 8; at Reymond, 1, dahil sa atrasong pagnanakaw ng mga alaga nilang hayop noong Nobyembre 28, 2012 sa Barangay Mabuno sa bayan ng Gattaran.

 

vuukle comment

APARRI

BARANGAY MABUNO

CHIEF INSP

DISYEMBRE

EDWIN VENTURA

GATTARAN

ISA

KINILALA

REYMALYN BAGUIWONG

ROMAR PACIS

VIRGILIO MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with