^

Probinsiya

Bala, armas nakuha sa bahay ng vice mayor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masuspinde at makasuhan ang bise alkalde sa lalawigan ng Lanao del Norte makaraang masamsam ang ibat’ ibang uri ng armas at bala  sa loob ng kanyang tahanan sa bayan ng Pantao Ragat nong Miyerkules ng madaling-araw.

Sa report ni P/Chief Supt. Catalino Rodriguez Jr., acting director ng police regional office10, bandang alas -2:30 ng madaling araw nang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang tahanan ni Pantao Ragat Vice Mayor Lacson Mangotara Lantud sa Barangay Poblacion.

Ni-raid ang bahay ni Lantud base sa search warrant na ipinalabas ni Judge Mario de la Cruz Jr. Manila Regional Trial Court Branch 22 sa kasong illegal possession of firearms (Presidential Decree 1866).

Gayon pa man, wa­la  ang vice mayor kung saan ang misis nitong si Pantao Ragat Mayor Elea­nor Dimaporo Lantud ang tumanggap ng search warrant na sinaksihan ng mga opisyal ng barangay.

Kabilang sa mga armas na nasamsam ay anim na M203 grenade launchers, M60 machine gun, dalawang M79 grenade launchers, siyam na M14 rifles, dalawang M16  rifles, 14 Garand rifles, anim na maiikling baril at mga bala.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CATALINO RODRIGUEZ JR.

CHIEF SUPT

CRUZ JR. MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

DIMAPORO LANTUD

JUDGE MARIO

PANTAO RAGAT

PANTAO RAGAT MAYOR ELEA

PANTAO RAGAT VICE MAYOR LACSON MANGOTARA LANTUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with