^

Probinsiya

Shootout: Lider ng drug group bulagta

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang notor­yus na lider ng drug group habang tatlo namang tauhan nito ang naaresto matapos na pumalag sa pulisya sa naganap na shootout kahapon ng madaling araw sa bayan ng Patikul, Sulu.

Idineklarang patay sa Sulu Provincial Hospital ang lider ng sindikato ng droga na si Sajari Amiril habang ares­tado naman ang iba pang suspek na sina  Isnira Amiri, Ajan Akdam at si Dadang Sainuddin.

Sa ulat ni Sulu Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Antonio Freyra, sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency 9, PNP Special Action Force (SAF) 5th Battalion, Patikul PNP at Special Operations Group ng Sulu PPO ang hideout ng drug gang sa Barangay Godiness.

Gayon pa man sa halip na sumuko ay agad nagpaputok ng baril si Amiril na nagresulta sa ilang minutong palitan ng putok na ikinasawi nito.

Wala namang nasugatan sa mga operatiba na nagsagawa ng operasyon.

Nasakote naman matapos na makorner ang tatlo pang kasamahan ni Amiril sa nasabing operasyon.

Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng ba­ril at bala kung saan pormal na kakasuhan.

AJAN AKDAM

AMIRIL

ANTONIO FREYRA

BARANGAY GODINESS

DADANG SAINUDDIN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ISNIRA AMIRI

PATIKUL

SAJARI AMIRIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with