^

Probinsiya

5 dumukot, pumatay sa trader, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga ta­uhan ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang limang kidnaper na responsable sa pagdukot at pagpatay sa negosyante at da­ting Board member sa bayan ng Libon, Albay na si Jose Saribong sa isinagawang follow-up operations sa Rizal.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Stanly Bang­hulot, Teody Manghuyop, Randie Tagalogon, Roger Escropolo at si Roger Merabite.

Ang mga suspek ay sina­sabing sangkot sa pagdukot kay Saribong noong Enero 23 kung saan sa kabila ng pagbabayad ng P30 milyong ransom ng pamilya nito ay pinatay pa rin saka  itinapon sa bahagi ng Cogeo, Antipolo City, Rizal noong Pebrero 2.

Si Saribong ay dating Board member sa bayan ng Libon, Albay na sina­sabing dinukot ng mga suspek noong Enero 23  sa Golden Meadows Avenue sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Lumilitaw na P890,000 lamang ang naipadala ng pamilya nito sa account ng isa sa mga kidnaper.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay kasama ng driver nitong si Jimmy Palermo na lulan ng Mercedes Benz C200 Sedan (ZKV 600) na bumabagtas sa lugar nang harangin ng mga suspek na sakay naman ng abuhing SUV.

Ayon kay PNP-AKG Director P/Senior Supt. Renato Gumban, binaril at napatay ang driver ni Saribong.

Isa sa mga kidnaper na si Randy Tagalogon ang nakonsensya at ikinumpisal kaya nasakote ang mga suspek.

ALBAY

ANTI KIDNAPPING GROUP

ANTIPOLO CITY

DIRECTOR P

ENERO

GOLDEN MEADOWS AVENUE

JIMMY PALERMO

JOSE SARIBONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with