US submarine dumaong sa Subic
MANILA, Philippines - Subic Bay Freeport – Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita sa bansa ang USS Cheyenne nuclear attack submarine mula sa Hawaii matapos dumaong sa karagatan ng Subic Bay Freeport kahapon ng umaga.
Ang modernong submarino na unang nagpakawala ng Tomahawk missiles sa Operation Iraqi Freedom noong 2003 ay dumaong para sa supply replenishment at routine port visit kung saan magre-rest at recreation ang 12 opisyal at 98 crew nito.
Base sa Wikipedia, ang USS Cheyenne (SSN-773) ay ikatlong sasakyang pandagat ng United States Navy na isinunod sa paÂngalan ng isa sa estados ng US na Cheyenne sa Wyoming at armado ito ng pinamodernong 12 vertical launch Tomahawk missiles at 4x12 in (532 mm) torpedo tubes.
Nabatid na ang USS Cheyenne na may 361 talampakan haba ay ginawa ng Newport News Shipbuilding and Drydock Company kung saan kinomisÂyon noong Sept. 13, 1996.
Kabilang ang USS Cheyenne sa US 7th Fleet na nakabase sa Pearl Habor, Hawaii simula pa noong 1998.
- Latest
















