^

Probinsiya

Kabit ni mister dedo kay misis

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay sa saksak ng 22-anyos na misis ang babaeng kabit ng kanyang mister habang kritikal naman ang lalaki matapos maaktuhang naglalap­lapan ang magkalaguyo sa inuman sa Barangay Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktimang si Venus Lagrimas, 30, habang kritikal naman ang palikerong mister na si Elmer Mandaraog, 18.

Samantala, kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Cherry Rose Zamora, 22, pawang nakatira sa Paradise 1 sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, sinasabing magkasamang nag-iinuman ng alak sina Lagrimas at Mandaraog sa loob ng bahay nang mag-init ang kanilang katawan na nauwi sa laplapan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naaktuhan ng suspek ang dalawa na naglilingkisan kaya nagawang sampalin ng misis ang kalaguyo ng kanyang mister bago lumabas ng bahay.

Binalikan ng misis ang magkalaguyo saka inundayan ng saksak kung saan kapwa duguang bumulagta.

Matapos ang pananaksak ay sumuko naman ang suspek sa pulisya at inamin ang nagawang krimen.

vuukle comment

BARANGAY TUNGKONG MANGGA

BINALIKAN

BULACAN

CHERRY ROSE ZAMORA

ELMER MANDARAOG

LAGRIMAS

RENIEL VALONES

SAN JOSE DEL MONTE CITY

VENUS LAGRIMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with