NPA ambush: 9 bulagta

MANILA, Philippines - Siyam-katao kabilang ang isang pulis ang iniulat na napaslang habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Barangay Puso sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pauwi na ang mga biktimang lulan ng Canter truck mula sa piyesta nang tambangan ng mga rebelde bandang alas-3 ng mada­ling-araw.

Kabilang sa mga napatay ay si PO1 Richard Tamba, kasama ang limang barangay tanod, dalawang sibilyan at ang driver ng truck.

Sugatan naman ang dala­wang pulis at ilang sibilyan kung saan isinugod sa ospital.

Naniniwala ang pulisya na ang rebeldeng NPA ang nasa likod ng pananambang dahil isa sa rebelde ang sumigaw na “Mabuhay ang NPA” matapos ang pana­nambang.

Nakipagtulungan na ang mga sundalo ng Phil. Army sa pagtugis sa grupo ng NPA habang patuloy ang imbestigasyon sa naganap na pananambang.

 

Show comments