2 bantay salakay na sekyu timbog
GUIGUINTO, Bulacan, Philippines – Kalaboso ang dalawa sa tatlong security guard matapos na marekober sa mga ito ang tatlong matataas na kalibre ng baril na kanilang kinulimbat sa isang kilalang establisimyento sa isang lugar dito kahapon ng umaga .
Kinilala ang mga naaresÂtong suspek na sina Rusty Razon 28, sekyu ng Ever Glory Metal Inc., at LeoÂnardo Bornasal 24, sekyu ng Puregold Department Store na nasa Brgy. Sta. Cruz at residente ng kapwa din sa bayang ito habang kasalukuyan pang tinutugis ang isa pang suspek na si Arnold Rivas.
Ang mga ito ay inireklamo ng biktimang si James Hung, may-ari ng Ever Glory Metal Inc na nasa bisinidad ng RIS compound na nasa Brgy. Tiaong sa bayang ito. Ayon kay P/Supt. Leon Victor Rosete, pinasok ang establisimÂyento ng mga suspek at agad na kinulimbat ang dalawang .45, isang .40 mga kalibre na baril at mga bala saka tumakas sa iba’t ibang direksyon.
Nasakote naman ang mga suspek sa isinagawang followup operations ng mga awtoridad.
- Latest