^

Probinsiya

P.3-M ari-arian naabo

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY , Philippines  â€“ Umaabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang 13 bahay habang lima-katao ang sugatan sa Sitio Laguna, Barangay Bulacao sa Cebu City, Cebu kamakalawa ng hapon.

Tumagal ng 25-minuto ang sunog na nagsimula bandang ala-1:40 ng hapon kung saan nag-panic nga mga magulang at estudyante sa kalapit na Bulacao Community Elementary School.

Sa ulat ni Insp. Jose Laurito, officer-in-charge ng Cebu City Fire Department, nagsimula ang apoy sa bahay ni Marilou Ouano na sinasabing naglaro ng posporo ang mga anak.

Isa sa 1-anyos na anak ni Marilou ay nagtamo ng sunog sa katawan habang papalabas ng kanilang bahay na nasusunog.

Kinilala rin ni fire investigator SFO2 Emiliano Daño ang 10-­anyos na si Jessa Althea Saducas bago isinugod sa Miller Hospital. Isa rin si James Villamiro, 25, ang nasugatan matapos mahulog mula sa bubungan ng kanilang bahay dahil sa pagsagip sa ilang gamit.

Nahirapan ang mga miyembro ng pamatay-sunog na maapula ang apoy dahil makipot ang kalsada patungo sa fire scene.

 

vuukle comment

BARANGAY BULACAO

BULACAO COMMUNITY ELEMENTARY SCHOOL

CEBU CITY

CEBU CITY FIRE DEPARTMENT

EMILIANO DA

ISA

JAMES VILLAMIRO

JESSA ALTHEA SADUCAS

JOSE LAURITO

MARILOU OUANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with