Medico legal officer dedo sa sakuna
NUEVA ECIJA , Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 55-anyos na medico legal officer makaraang mawalan ng kontrol ang minamaneho nitong sasakyan bago sumalpok sa punungkahoy at bumulusok sa taniman ng palay sa Papaya-Fort Magsaysay Road sa Sitio Conveno, Barangay Rio Chico sa bayan ng General Tinio, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dr. Jun Concepcion y Barrientos ng Apo Street, Barangay Mabini Homesite, Cabanatuan City.
Lumilitaw na patungong Peñaranda, Nueva Ecija ang biktima upang magsagawa ng post-mortem examination sa isang biktima ng aksidente nang mawalan ng kontrol sa manibela ng Alterra (RLY 602) si Concepcion kung saan sumalpok sa punungkahoy. Idineklarang patay sa Medicare Community Hospital ang biktima, dito.
- Latest

















