^

Probinsiya

Truck bumaliktad: 1 dedo, 7 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang 26-anyos na mister habang pitong iba pa ang nasugatan makaraang bumaliktad ang sina­sakyang truck sa kahabaan ng highway sa Manduarriao District, Iloilo City, Iloilo kamakalawa.

Idineklarang patay sa Iloilo Doctors Hospital ang biktimang si Ryan Sijo ng Badiangan, Iloilo kung saan nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Kabilang sa mga sugatang biktima ay sina Joven Estribor, Jessie Rafil, Ervan Gatoteo, Jay Nomong, Ronald­ Sampil, Dionisio Cobol  at si Jerry Parreño.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Marieto Valerio, director ng Iloilo City PNP, ang mga biktima ay manggagawa ng negosyanteng si Clemente Abordo ng Abordo Rice Mill sa bayan ng Janiuay.

Lumilitaw na iniwasan ng driver ng truck na si Fer­nando Baylen ang isang taxi na biglang kumaliwa sa highway kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela.

Sumalpok ang truck sa poste ng kuryente at punung­kahoy sa may highway bago tuluyang bumaliktad at gu­mulong ng ilang ulit.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries ang driver ng truck.

 

vuukle comment

ABORDO RICE MILL

CLEMENTE ABORDO

DIONISIO COBOL

ERVAN GATOTEO

ILOILO

ILOILO CITY

ILOILO DOCTORS HOSPITAL

JAY NOMONG

JERRY PARRE

JESSIE RAFIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with