^

Probinsiya

8 bayan sa Aklan nasa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umabot sa walong ba­yan sa lalawigan ng Aklan ang idineklara sa ilalim ng state of calamity sanhi ng matitinding pagbaha dulot ng pananalasa ng bagyong Quinta.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng Office of Civil Defense ay kabilang sa mga inilagay sa state of cala­mity ay ang mga bayan ng Madalag, Banga, Libacao, Malinao, Numancia, Lezo, Ibajay at ang kapitolyo ng Kalibo.

Iniulat din na daang residente naman sa Kalibo ang inilikas sanhi ng high tide na pinalala pa ng flashfloods.

Nabatid na bagaman nasa ilalim lamang ng signal #1 ang Aklan noong Miyerkules ay matindi ang pag-ulang ibinuhos ng bagyong Quinta na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Samantala, maging ang kanugnog na lalawigan ng Capiz, Iloilo at Antique ay dumanas din ng grabeng pagbaha.

Nakaapekto rin ito sa mga residente sanhi ng pag-apaw ng mga ilog.

AKLAN

CAPIZ

IBAJAY

ILOILO

INIULAT

KALIBO

LEZO

LIBACAO

MADALAG

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with