Jail guard tiklo sa buy-bust

MANILA, Philippines -  Kalaboso ang isang jail guard matapos madakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Kagbolo sa bayan ng Abuyog, Leyte, ayon sa ulat kahapon.

Pormal na kakasuhan ang suspek na si Edgar Paguio, nakatalaga sa Bureau of Corrections (BuCor) Leyte Regional Prison sa nasabing bayan. 

Ayon sa ulat, si Paguio ay naaresto ng grupo ni PDEA Director Gil Pabilona matapos magbenta ng shabu sa isang poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation. Nasamsam pa mula sa suspek ang isang Glock cal.40 na may magazine; at ang P1,000 mark money.

Samantala, narekober sa bahay ni Paguio ang ilang plastic sachets ng shabu na may timbang na 29.7 gramo, isang cal. 9mm pistol, Remington M501 rifle na may  telescope, barrel extension na may groove, silencer, tatlong magazines, caliber .45 pistol at mga drug paraphernalia.

 

Show comments