^

Probinsiya

Misis tinodas ng utol

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa lupa kaya napatay ang 42-anyos na ginang matapos na pagtatagain ng nakatatanda nitong kapatid sa Bayugan City, Agusan del Sur  kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/ Supt. Martin Gamba, Caraga PNP spokesman ang biktima na si Rosita Tumaquin na idineklarang patay sa New Bayugan Medical Hospital bunga ng mara­ming sugat sa katawan.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Bebenciolo Tumaquin, 54, may asawa at kapitbahay ng pinaslang na kapatid.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4 ng hapon ng maganap ang krimen sa Purok 4, Barangay Grace State.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na muling nagtalo ang magkapatid dahil sa alitan sa lupa na pamana ng kanilang mga magulang kung saan nauwi sa pananaga.

Matapos pagtatagain ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Naglunsad na ng ma­lawakang hot pursuit operations ang pulisya laban sa suspek.

 

AGUSAN

BARANGAY GRACE STATE

BAYUGAN CITY

BEBENCIOLO TUMAQUIN

CAMP CRAME

CARAGA

KINILALA

MARTIN GAMBA

NEW BAYUGAN MEDICAL HOSPITAL

ROSITA TUMAQUIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with