^

Probinsiya

Mister pinatay sa inuman

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang nagkapikunan sa biruan kaya sinaksak at napatay ang 35-anyos na mister ng kanyang kainuman sa Brgy. Tiaong sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Francisco Llagas, habang naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si Noel Reaño, 42, kapwa nakatira sa Sitio Ugong sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon nina SP01 George Lopez at P02 Sonny Berboso, magkasama sa inuman ang suspek at biktima nang magkapikunan na humantong sa hamunan ng suntukan. Napayapa naman ng ilang kalalakihan ang dalawa subalit nagawang saksakin ng suspek ang biktima bago tumakas. Naaresto ang suspek sa Bulacan Provincial Hospital matapos masaksak ng biktima sa pakikipag-agawan sa hawak na patalim.

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

FRANCISCO LLAGAS

GEORGE LOPEZ

GUIGUINTO

NAARESTO

NOEL REA

SITIO UGONG

SONNY BERBOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with