^

Probinsiya

Totoy ginahasa ng bading

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang bading na beautician matapos na positibong ituro ng Grade II pupil na siyang humalay sa kaniya ng limang beses na ang pinakahuling insidente ay ipinasubo pa ang ari nito sa bata sa isang lugar sa lungsod na ito kahapon.

Personal na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Tonton, 8-anyos kasama ang kanyang ina upang pormal na ipagharap ng reklamo ang suspek na si Leo Barrogo, 39; pawang mga residente ng Palmera Northridge Subdivision, Brgy. Sto. Cristo sa siyudad na ito.

Base sa ulat na isinumite ni P/Supt. Reniel Valones dakong ala-1 ng hapon ay naglalaro ang biktima kasama ang ilan pang mga kaibigan nang lapitan ito ng suspek saka binig­yan ng pera at agad na isinama sa loob ng kanyang bahay.

Sa puntong ito ay muli na namang umanong ginahasa ng bading ang paslit at ng makaraos ay tinakot pa ang bata na huwag ipagsasabi ang pangyayari at kung hindi ay sasaktan niya ito.

Lumilitaw naman sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Womens and Childrens Complaint Desk sa bata na maraming beses na itong pinagsamantalahan ng suspek.

BAGSAK

BRGY

BULACAN

CRISTO

LEO BARROGO

LUMILITAW

PALMERA NORTHRIDGE SUBDIVISION

RENIEL VALONES

STO

WOMENS AND CHILDRENS COMPLAINT DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with