Sayyaf kidnaper arestado sa mall
MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng notoryus na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa high profile kidnappings sa Western Mindanao matapos maaresto sa inilatag na operasyon sa isang mall sa Zamboanga City noong Martes.
Si Algaber “Talha” Said ay nasakote ng mga operatiba ng PNP Special Action Force, 300th Air Intelligence and Security Group ng Philippine Air Force at National Bureau of Investigation sa Gateway Shoppers Center sa Zamboanga City bandang alas-10:30 ng umaga.
Sa tala, si Said ay sangkot sa serye ng high profile kidnapping sa Western Mindanao at may patong sa ulo na P 600,000 reward kapalit ng kaniyang pagkakaaresto.
Kabilang sa kaso ni Said ay ang Tumahubong kidnapping, Golden Harvest Plantation kidnapping at Lamitan siege na pawang sa Basilan noong 2000 hanggang 2001.
Nabatid na ang suspek ay sinasabing nagsilbing spotter ng mga bandido sa Lamitan siege kung saan binihag at ginawang human shield ang mahigit 20 hospital staff at mga pasyente ng Dr. Torres Memorial Hospital sa Basilan noong Hunyo 2001. J
- Latest