^

Probinsiya

Misis inutas ng adik na mister

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang panibugho dahil sa matinding selos, napatay sa saksak ang 32-anyos na misis ng kanyang mister na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay Masadag, Sinait, Ilocos Sur kamakalawa. Anim na saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Shiela Marie Villanueva, barangay treasurer habang nasakote naman ang  suspek na si Sonny Villanueva, 33. Sa ulat ni P/Senior Insp. Arsenio Ramos, hepe ng pulisya ng Sinait, lumilitaw na kinompronta ng mister ang kanyang misis matapos mapakinggan nito na may tinatawag na love sa kanyang cellphone kung saan naghinala na may ibang lalaki ang kanyang misis. Upang maiwasang lumala ang kanilang alitan ay nagpasyang umuwi muna ang biktima sa bahay ng mga magulang subalit sinundan ito ng suspek kung saan isinagawa ang pamamaslang. Inamin naman ng suspek na  lulong siya sa bawal na droga kaya nagawang patayin ang kanyang asawa.

vuukle comment

ARSENIO RAMOS

BARANGAY MASADAG

ILOCOS SUR

INAMIN

PINANINIWALAANG

SENIOR INSP

SHIELA MARIE VILLANUEVA

SINAIT

SONNY VILLANUEVA

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with