^

Probinsiya

Mister nag-amok, hipag niratrat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 28-anyos na pampublikong guro matapos itong pagbabarilin ng kanyang bayaw dahil sa sinasabing pangangaliwa ng kanyang misis sa naganap na amok malapit sa eskuwelahan sa Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Pitong tama ng bala ng baril sa noo, mukha at tiyah ang tumapos sa buhay ni Shirley Dole Borre ng Camarines Sur High School, pansamantalang nangungupahan sa na­sabing lungsod at nakatira sa Caramoan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, papasok na sana sa eskuwelahan ang biktima nang biglang mag-amok ang suspek na si Moises Beronio, 35, ng Brgy. Poblacion, Garchitorena, Camarines Sur.

Walang habas na nagpaputok ng baril ang suspek dahil sa pagkades­perado sa kaniyang misis na sinasabing nangangaliwa kung saan napagdiskitahan namang pagbabarilin ang biktima.

Matapos ang insidente ay sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek.

BRGY

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR HIGH SCHOOL

CAMP CRAME

CARAMOAN

GARCHITORENA

MATAPOS

MOISES BERONIO

NAGA CITY

SHIRLEY DOLE BORRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with