Ginang nalunod
MANILA, Philippines - Isang 26-anyos na ginang ang nasawi matapos itong tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog habang naliligo sa isang liblib na lugar sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Rosemarie Obregon, residente ng Brgy. Obial ng bayang nabanggit.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang alas-3 ng hapon habang naliligo ang ginang sa ilog kasama ang kaniyang anak ng biglang tangayin ito ng malakas na agos.
Ang insidente ay ini-report naman ng nakaligtas na anak ng biktima sa kaniyang ama kung saan agad nagsagawa ng search and rescue operation pero nabigong mailigtas ang ginang.
Narekober naman ang bangkay ng biktima ilang oras matapos itong lumutang at mapadpad sa Tipudos Bridge sa Brgy. Obial, Kalamansig ng lalawigang ito.
- Latest





















