Surigao, Guimaras at Pangasinan nilindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Surigao del Sur at apat na iba pang bahagi ng bansa kahapon ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lalim ng lindol sa 78-kilometro at tectonic ang origin nito.
Naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa bayan ng Tandag, Surigao del Sur habang intensity 4 naman sa Surigao City at intensity 3 sa bayan ng Bislig, Surigao del Sur. Kasunod nito, niyanig din ng lindol ang bayan ng Bolinao, Pangasinan na may lakas na 2.4 magnitude kahapon ng madaling araw. Gayundin ang bayan ng Burgos, Surigao del Norte na may lakas na 2.8 magnitude habang nilindol din ang bayan ng Buenavista, Guimaras na may lakas na magnitude 4.6 kahapon ng madaling-araw.
Samantala, naitala rin ang paglindol sa Saranggani, Davao del Sur sa lakas na magnitude 4.1 noong Biyernes ng gabi.
- Latest