^

Probinsiya

Bus vs pader: 8 patay, 20 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walo-katao ang iniulat na nasawi habang 20 iba pa ang nasugatan matapos sumalpok ang pampasaherong bus sa kongkretong pader sa Toledo City, Cebu noong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, patungong bayan ng Pinamungajan ang Jegans Bus Liner  nang mawalan ng preno pagsapit sa  kurbadang highway ng Don Andres Soriano bandang alas-7 ng gabi.

Dito na sumalpok sa kongkretong pader ang bus kung saan kabilang sa mga nasawi ay sina Virgilio Cananano, Thlema Sibalay, Jose Baraquil at si Felidelfa Barbarati. Naisugod ang mga sugatang biktima sa Carmen Copper Hospital, Toledo District Hospital at sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Ayon kay SPO1 Peter Cuanso, sumuko naman ang driver na si Allan Pastidio sa Aloguinsan PNP bago dinala sa himpilan ng pulisya sa Toledo City..

Ayon pa sa pulisya, u­mabot sa 60-pasahero ang lulan ng bus kung saan 45-katao lamang ang maaring isakay.

Nangako naman ang may-ari ng bus na sasagutin ang gastos ng mga namatay at nasugatan. Ricky Tulipat at Freeman tNews Serivce

 

vuukle comment

ALLAN PASTIDIO

AYON

CAMP CRAME

CARMEN COPPER HOSPITAL

DON ANDRES SORIANO

FELIDELFA BARBARATI

JEGANS BUS LINER

JOSE BARAQUIL

PETER CUANSO

TOLEDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with