^

Probinsiya

Pulis bulagta sa tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines – Isa na namang pulis ang na­patay matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa intersection ng Barangay Poblacion sa bayan ng Pandi, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni PO2 Shane Michael Cruz, 37, ng Barangay Virgen De Los Flores sa bayan ng Baliwag, Bulacan at nakatalaga sa Pandi PNP.

Ginagamot naman sa Rogasciano M. Mercado Ge­neral Hospital sa bayan ng Sta.Maria ang isa sa suspek na si Francisco Cullado na nabaril ng kabaro ng biktima.

Samantala, tugis na ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Sabino Vengco III ang isa sa suspek na si Allan Bantilan na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay SPO1 Pol Gutierez, sinita ng biktima ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na ang plaka ay tinakpan ng karton kung saan napansin ding may nakasukbit na baril sa baywang ang backrider.

Hindi nakaporma ang biktima nang pagbabarilin ng suspek subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay namataan naman ng off-duty na si PO2 Tito Morales ang insidente kaya  sumaklolo ito at binaril ang isa sa suspek na si Cullado habang nakatakas naman ang kasamahang suspek.

Narekober naman ang baril na ginamit ni Cullado sa pamamaril at ang motorsiklo ng dalawa.

vuukle comment

ALLAN BANTILAN

BARANGAY POBLACION

BARANGAY VIRGEN DE LOS FLORES

BULACAN

CHIEF INSP

CULLADO

FRANCISCO CULLADO

MERCADO GE

PANDI

POL GUTIEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with