Di-napasama sa graduation, nagbigti
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dinamdam na hindi nakasama sa listahan ng mga gra-graduate kaya nag-suicide ang 22-anyos na nautical student matapos itong magbigti sa kisame ng kaniyang boarding house sa Mac Center sa Barangay Sto. Niño, Cebu City, Cebu noong Huwebes.
Bandang alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ng matalik na kaibigang si Ian Belogolo ang nakabiting biktimang si Joavan Vincent Miana.
Nabatid na dakong alas-2 ng hapon noong Huwebes, umakyat sa entablado ang mga kapwa estudyante ni Miana kaugnay ng graduation ceremony.
Labis na dinamdam ng biktima matapos matuklasan noong Martes na hindi kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nagsipagtapos sa kursong Nautical na nakapaskel sa bulletin board ng kanilang unibersidad.
Ayon pa sa mga imbestigador, bitbit pa ng mga magulang ng biktima mula sa Toledo City, Cebu ang toga ng kanilang anak pero nabulaga ang mga ito ng bangkay na ng abutan nila ang kanilang anak.
Nag-iwan ng suicide note ang biktima sa mga magulang, kasintahan at kaibigan.
- Latest