Bus bumaliktad: 12 sugatan

MANILA, Philippines - Labindalawa-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong bus sa kahabaan ng Marcos highway sa Baguio City noong Huwebes ng hapon. Kabilang sa mga nasugatan ay sina John Eric Pascua, Ana­lisa Lacambra, Carolina Dapnisan, Jushua Mallari, Milca Orpiano, Mark Anthony Fang, Mary Ann Molina, Rosita La­butan, Ma. Damoiselle Orpiano, Jomar Mendoza, Rosita Acangan at si Jenny Chapyosen na pawang naisugod sa Baguio City General Hospital and Medical Center. Sa ulat na nakarating  sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, naganap ang sakuna sa kahabaan ng Kilometer 4 bandang alas-2 ng hapon. Ang mga biktima ay lulan ng Amianan Bus Line (AYK-317)  na minamaneho ni Joselito Zuniega nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Show comments