100 kalahok sa fun run, nalason
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Tinatayang aabot sa 100-katao na lumahok sa fun run sa ginanap na 2nd Sinabadan Festival ang nalason matapos kumain ng kanin, manok at itlog kahapon ng tanghali sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Kabilang sa mga biktimang naisugod sa Kidapawan Doctors Hospital ay sina Rhia Rose Rigo, Britney Villaseno, Richel Tuadles, Sharmaine Juamile, Lovely Baisa, Cristine Capricio, Geramos Villaester, Divina Villaester, Gail Salili, at tatlong iba pa.
Samantala sa Kidapawan Medical Specialist Center naman ay sina Bibgen Arayag, Jamilyn Morales, Jesel Aclon, Alma Mae Abatas, Ian Labod, Jomar Biolan, Jolina Eloca, Amadio Emban, Jimmy Casimiro, Rebecca Ajero, Carmelita Aclon, Mondia Embac, Saturnina Kikoy, A. Amparado, Eulalia Edo, Alvin Amolo, Ritchy Gemayo, Rogelio Albiso, Maria Bernardita Albiso, Jelvin Dale Albiso, Donna Bel Ayo, Margie Maligatong, Ian Dabon, Melodina Dahan, at si Jay Jales.
Gayundin ang 40-katao ang dinala sa Makilala Medical Specialist Hospital habang lima naman sa Midway Hospital.
Ang iba kinaya ang pananakit ng tiyan at pagsusuka kaya nagpasyang umuwi na lamang.
Lumilitaw na aabot sa 5,000 patel ang ipinamahagi sa mga lumahok sa fun run na bahagi ng pagdiriwang ng 2nd Sinabadan Festival, kaugnay ng 58th foundation anniversary ng Makilala, North Cotabato.
Ang patel ay kanin na hinaluan ng manok at itlog bago ibinalot sa dahon ng saging.
Inako naman ng lokal na pamahalaan ng Makilala ang gastusin sa mga nabanggit na ospital habang inatasan na ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan ang municipal administrator na si Boy Villavicencio para pangunahan ang imbestigasyon ng food poisoning.
- Latest
- Trending