^

Probinsiya

Riding-in-tandem tumba sa shootout

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bumulagta ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng highway sa Barangay Pagsawitan, Sta Cruz, Laguna kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Supt. Fausto Manzanilla Jr., Laguna PNP director, nagsasagawa ng Oplan Sita sa checkpoint ang pangkat nina P/Supt. Ronaldo Mendoza, at P/Inspector Wilfredo Sacmar at iba pang units ng pulisya nang masabat ang riding-in-tandem gunmen.

Nabatid na tinangkang iwasan ng tandem na kap­wa nakasuot ng pulang bonnet ang checkpoint kaya hinabol sila ng mga pulis.

Dito na pinaputukan ng backrider ang humahabol na pangkat ng pulisya kung saan nauwi sa shootout.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok, bumulagta ang dalawa na kapwa ina­alam pa ang pagkakakilanlan.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang motorsiklo na walang plaka, baril, apat na bala, 2- cartridge ng baril, granada, 3 cartridge, pulang bonnet at iba pa.

vuukle comment

BARANGAY PAGSAWITAN

BUMULAGTA

DITO

FAUSTO MANZANILLA JR.

INSPECTOR WILFREDO SACMAR

NABATID

NAREKOBER

OPLAN SITA

RONALDO MENDOZA

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with