Mister inutas ng chairman
RIZAL, Philippines - Niratrat at napatay ang 35-anyos na mister ng barangay chairman matapos na makipagsuntukan sa barangay tanod sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Leonardo Borlaza Jr. ng Abesamis, Purok 6, Barangay Cupang habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Chairman Edison Marquez. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Rolando Anduyan, naganap ang krimen matapos na makipag-away ang biktima sa barangay tanod na si Joel Pongyan na sinasabing kapwa lango sa alak. Rumesponde ang suspek sa naganap na kaguluhan ng dalawa kung saan walang pasabing pinagbabaril ang biktima.
- Latest
- Trending
















