^

Probinsiya

Baby kinatay ni mommy

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang 16 anyos na dalagitang ina matapos nitong patayin sa saksak ang kaniyang isang taon at siyam na buwang gulang na anak na babae bago nagtangkang mag-suicide sa Sitio Kalingking, Barangay Saavedra sa bayan ng Moalboal, Cebu noong Linggo ng hapon. Ang biktima na itinago sa pangalang Baby Rosemarie ay nagtamo ng pitong saksak sa dibdib at idineklarang patay sa Moalboal Health Center. Samantala, ang ina na nagsaksak din sa dibdib ay dinala sa Badian District Hospital subalit inilipat sa Don Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City para sa agarang operasyon. Sa ulat ng Cebu PNP, bandang alas-5:30 ng hapon ng marinig ng 73-anyos na lola ang sigaw ng teenager na humihingi ng tulong na iligtas ang kaniyang anak habang hawak nito ang duguang kutsilyo sa loob ng kanilang tahanan sa nabanggit na barangay. Nabatid din sa ulat ng pulisya na ang dalagita ay taga-Malabon City, Maynila pero ipinadala ng magulang nito sa kaniyang lola sa Cebu matapos na mabuntis ng kanyang tiyuhin kung saan labis itong dumanas ng depresyon ng mahinto sa pag-aaral. Samantalang palagi rin umano itong nag-iiyak at naghihimutok lalo na kapag umiiyak ang kaniyang baby na hindi nito alam kung paano alagaan at tinuturuan lamang ng kaniyang lola. Narekober sa crime scene ang 12-pulgadang kutsilyo na ginamit ng suspek sa pagpatay sa kaniyang baby.  Nakatakda namang i-turnover ang teenager na ina sa Municipal Social Welfare and Development.  Freeman News Service

vuukle comment

BABY ROSEMARIE

BADIAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY SAAVEDRA

CEBU

CEBU CITY

DON VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

FREEMAN NEWS SERVICE

MALABON CITY

MOALBOAL HEALTH CENTER

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with