Pinatay dahil sa panliligaw

 RIZAL, Philippines  — Napaslang ang 20-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kanyang karibal sa panliligaw sa dalaga sa Barangay San Rafael sa bayan ng Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Enrique Prezantation ng Hillside, Sitio Yagit, Brgy. San Rafael sa nasabing bayan. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Brix, 17, residente rin sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Rolando Anduyan, inabangan ng suspek ang biktima habang  papauwi at isinagawa ang krimen. Nagawa pang isugod sa H-Ville Hospital ang biktima pero idineklarang patay. Ayon sa ulat, nagalit ang suspek sa biktima sa pag-akyat nito ng ligaw sa dalaga na kanya ring nililigawan.

  

Show comments