^

Probinsiya

Ex-jail officer todas sa adik na anak

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi nabigyan ng pambili ng bawal na droga, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 65-anyos na retiradong jail officer ng kanyang drug adik na anak na lalaki sa Barangay Lahug, Cebu City sa Cebu kamakalawa. 

Ang biktimang si ret. Chief Inspector Simplico Niñeza, 65-anyos, da­ting opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 7 ay natagpuang nakahandusay at may mga tama ng bala sa dibdib, balikat at kanang mata.

Arestado naman ang suspek na anak na si Glenn Niñeza, 37, ilang minuto matapos maganap ang krimen

Sa ulat ng Cebu City PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa loob ng silid ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan sa Gorordo Avenue pasado alas-12 ng tanghali.

Sinasabing humihingi ng pera ang suspek sa kaniyang ama para pambili ng bisyo pero nagmatigas ang matandang Niñeza.

Ayon sa hepe ng Homicide Section na si Jul Mohammad Jamiri, nakita pa ng kanilang kapitbahay si Glenn na tumatalilis mula sa kanilang bahay matapos makarinig ng mga putok ng baril.

Sa presinto, inamin ng suspek na gumagamit siya ng droga pero itinangging siya ang bumaril sa sari­ling ama.

Narekober naman sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ARESTADO

BARANGAY LAHUG

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP CRAME

CEBU CITY

CHIEF INSPECTOR SIMPLICO NI

GLENN NI

GORORDO AVENUE

HOMICIDE SECTION

JUL MOHAMMAD JAMIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with