Ex-Marines tiklo sa buy-bust

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 32-anyos na dating sundalo ng Phil. Marines na sinasabing AWOL matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Northeast sa bayan ng Solana, Cagayan kahapon. Pormal na kinasuhan ni PDEA Region 2 Director Juvenal Azurin ang naarestong suspek na si Jenrette Velasco na nakumpiskahan ng 19 plastic sachet ng shabu. Nabatid kay Azurin na naging notoryus na tulak ang suspek matapos mag-AWOL at masibak sa Phil. Marines noong nakalipas na taon.

Show comments