Tanod natuhog ng kawayan, utas

LUCENA CITY, Quezon - Nagmistulang litsong baboy ang katawan ng 39-anyos na barangay tanod matapos na matusok nang sanga ng kawayan nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo habang nasugatan naman ang kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Barangay Ila­yang Talim sa Lucena City, Quezon. Sa ulat ni P/Supt. Sergio Vivar, nakilala ang biktima na si Leo Napule na sinasabing utol ni Market View Chairman Edwin Napule habang ginagamot naman sa ospital ang misis nitong si Canet Napule, 32. Ayon kay SPO1 Allan Ocampo, dakong alas-8 ng gabi ay magkaangkas sa mototrisklo ang mag-asawa nang mawalan ng kontrol ang biktima kung saan nagtuluy-tuloy sa kawaya­nan na nasa gilid ng feeder road. Nabatid din sa ulat ng pulisya na nakainom ng alak ang biktima kaya naganap ang insidente.

Show comments