^

Probinsiya

Tatakbong Mayor sa halalan: Makati City engineer, patay sa ambus sa Albay

- Ed Casulla - The Philippine Star

LEGAZPI CITY, Philippines – Patay ang city engineer ng Makati City matapos na   pagbabarilin ng tatlong hindi nakikilalang suspek sa labas ng simbahan sa Brgy. Estancia, Malinao, Albay kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawing biktima na si Engr. Nelson Morales na umano’y kakandidatong municipal mayor sa naturang bayan, samantala ang bodyguard naman nito na sugatan ay kinilalang si ret. Army Raul Capitan at residente ng Brgy. Burabod ng naturang bayan.   

Batay sa ulat ni P/Supt. Renato Bataller, ang taga pagsalita ng Kampo Ola, ang insidente ay naganap dakong alas -10:15 ng umaga habang ang biktima ay papa­labas ng simbahan, kasama ang dalawang bodyguard nang bigla na lamang na pagbabarilin ng mga suspek. Mabilis naman na hinarang ng bodyguard ang kanyang katawan kaya rin siya na­sugatan.

 Nabatid na ang biktimang engineer na nakatakdang tumakbo sa pagka-alkalde sa lugar ay nag-ninong sa kasal kasama ang kapatid na babae na si Vice Mayor Alice Morales ng naturang bayan na tinangka rin na barilin ng mga suspek subalit ito ay naitulak ng bodyguard nito.

Sa impormasyon matapos ang kasalan na dinaluhan nito sa simbahan at nang makalabas na ito ay bigla na lamang na may pumutok sa likuran na kung saan agad na bumulagta ang engineer.

Subalit kaagad naman na nakita ng bodyguard nito na inasinta ang kanyang amo ay mabilis na iniharang nito ang kanyang katawan at ito ang tinamaan ng sumunod na bala at kahit sugatan na ito ay gumanti ito ng putok.

Maging ang mga dumalo sa kasalan ay nagtakbuhan papalayo sa lugar, dahil sa takot na tamaan ng mga ligaw na bala at ang bagong kasal naman ay hindi muna lumabas ng simbahan hanggang sa hindi matiyak ang kaligtasan.

Kaagad naman na tumakas ang tatlong hindi nakikilalang mga suspek sa lugar ng pinagyarihan ng insidente.

Matatandaan na ang bayan ng Malinao ay isa sa mga hot spot sa nakalipas na dalawang eleksyon.

Sa kasalukuyan masu­sing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito. 

vuukle comment

ARMY RAUL CAPITAN

BRGY

KAMPO OLA

MAKATI CITY

MALINAO

NELSON MORALES

RENATO BATALLER

VICE MAYOR ALICE MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with