Kuya niratrat ng kapatid na pulis
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napaslang ang 56-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng nakababatang kapatid na pulis habang nakikipag-inuman sa bahay ng kanilang ina sa Barangay Linglingay sa bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dominador Binalay habang tinutugis naman ang suspek na si PO3 Horacio Binalay, 43, na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Ilagan City at nakatira a Barangay Lenzon.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng masayang inuman ang biktima at mga kaibigan ng kapatid ng suspek.
Nabatid na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang magkapatid hanggang sa binunutan ng utol na pulis ang kuya at pinagbabaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isinugod ng mga kainuman ang biktima sa pagamutan samatalang mabilis namang tumakas ang suspek matapos mabaril ang kanyang kuya.
- Latest
- Trending





















