^

Probinsiya

P.6-M tubuhan naabo

- Raymund Catindig - The Philippine Star

ILAGAN CITY, Philippines - Tinatayang aabot sa P.6 mil­yong halaga ng pananim ang naabo matapos masunog ang walong ektaryang plantasyon ng tubo na malapit na sanang anihin sa Sitio Locson, Barangay Binatug sa bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa.

Batay sa report na ipinalabas ni Isabela PNP Director P/Senior Supt. Franklin Mabanag, ang pagkalat ang apoy na tumupok sa tubuhan ay nadiskubre ng katiwalang si Jason Gacias nong Bi­yernes.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinagmulan ng apoy ay ang ginawang pagsiga ni Joseph Tulinao sa mga dayami ng kanyang inani na cassava sa kadikit na lupain ng plantasyon ng tubo kung saan gumapang ang apoy.

Pinakahuli ang nasabing pagkakasunog ng plantasyon ng tubo na pag-aari ng Ecofuel Land Development Ma­nagement Corp. kung saan naunang nasunog ang apat na ektaryang tubuhan na pag-aari  ng Ecofuel noong Miyerkules sa Barangay Villa Pereda, Bayan ng Delfin Albano.

Ang Ecofuel ang korporasyong naghahatid ng tubo bilang raw material sa ipinapatayong Bio-ethanol plant sa bayan ng San Mariano na inaasahang mag-uumpisa sa 2013.

ANG ECOFUEL

BARANGAY BINATUG

BARANGAY VILLA PEREDA

DELFIN ALBANO

DIRECTOR P

ECOFUEL LAND DEVELOPMENT MA

FRANKLIN MABANAG

ISABELA

JASON GACIAS

SAN MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with