Mister sangkot sa krimen, nilikida

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaslang ang 48-anyos na mister na sinasabing sangkot sa panghoholdap at pagnanakaw matapos itong dukutin at ratratin ng mga armadong kalalakihan bago itinapon sa kahabaan ng Licab-Tarlac Road sa Barangay Agcano, Guimba, Nueva Ecija noong Biyernes ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Walter Castillejos, Nueva Ecija PNP director, nakilala ang biktima na si Miguel “Ige” de Jesus ng Barangay Sto. Rosario Old sa bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija. Ayon sa pulisya, noong Huwebes ng gabi ay dinukot ang biktima kung saan natagpuang patay sa nabanggit na barangay. May teorya ang pulisya na pinatahimik ang biktima ng kanyang mga dating kasamahan sa modus operandi para hindi maisiwalat ang ilang krimen.

Show comments