Mag-asawang trader pinabulagta

BATANGAS, Philippines  – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong lalaki sa bahagi ng Barangay Anus sa bayan ng San Jose, Batangas kahapon ng umaga. Napuruhan ng mga bala ng baril ang mag-asawang Saturnino Peralta at Mary Jane Peralta na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Samantala sa follow-up operation ng pulisya ay nasakote naman ang suspek na si Arnel Magnaye sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas. Dead-on-the spot si Saturnino habang si Mary Jane naman ay namatay sa Batangas Regional Hospital. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo ng pamamaslang.

Show comments