^

Probinsiya

Turismo, iba pang programa umalagwa

- Alex Galang - The Philippine Star

ZAMBALES, Philippines  — Sa loob ng dalawang taong paunungkulan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. ay patuloy na lumago ang mga pangunahing programa sa turismo, pangkalusugan, imprastraktura at pagtaas ng income revenue sa nabanggit na lalawigan.

Ito ang naging pahayag ni Governor Ebdane, Jr. sa kan­­yang mga kababayan na gina­nap sa People’s Park sa ba­yan ng Iba kung saan partikular na sinabi nito ang pa­ngunahing programa sa turismo.

Partikular na binanggit ni Ebdane ang mga bayan ng San Antonio at San Narciso na may magagandang beach resort na tanyag bilang surfing and skimboarding destination habang ang Uacon Cove sa bayan ng Candelaria at Subic Bay naman ang venue para sa international triathlon events, dragon boat racing at kayaking.

Samantala, sa serbisyong  pangkalusugan ay may mga makabagong mobile hospital na kumpleto ng mga portable x-ray machines at mobile dental clinic na lumilibot sa mga liblib na barangay.

Ayon pa kay Ebdane, patuloy din ang pagsasaayos sa mga kalsada at tulay matapos manalasa ang bagyo.

Patuloy din aniya ang pagtaas ng koleksyon sa real property taxes noong Enero hanggang Hunyo 2012 na umangat ng 78.5% kumpara noong 2011.

Tumaas din ng 226.5% ang nakokolektang buwis mula sa sand, gravel at iba pang quarry products.

“Ang patuloy na pagtaas ng mga koleksyon ng buwis sa real property at industiyang pagmimina ay pagtupad sa ating hangarin na ang yaman ng Zambales ay magamit at mapakinabangan para sa kabutihan at kaunlaran ng bawat Zambaleño,” dagdag pa ng gobernador.

AYON

CANDELARIA

EBDANE

GOVERNOR EBDANE

SAN ANTONIO

SAN NARCISO

SUBIC BAY

UACON COVE

ZAMBALES GOVERNOR HERMOGENES EBDANE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with