^

Probinsiya

Binata kinalasan ng syota, nagbigti

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang siner­yoso ng 24-anyos na binata ang huling mensahe na natanggap sa kanyang syota na nakipagkalas sa kanya matapos itong magbigti sa bakuran ng kanilang tahanan sa bayan ng Panay, Capiz kamakalawa.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-9 ng gabi nang madiskubre ang katawan ng biktimang si Noel Gonzaga na nakabigti sa sanga ng punung mangga sa bakuran ng kanilang tahanan sa Barangay Agbalo sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na nakarating kay Capiz Provincial PNP Director P/Senior Supt. Domingo Cabillan.

Lumilitaw na nakipagkalas ang dalaga sa biktima sa pamamagitan ng text message.

“Tapos na ang lahat sa atin, ayoko na sayo, break na tayo!” ito ang nilalaman ng mensahe sa cell phone ng biktima.

Tinangka pa ng biktima kausapin ang kanyang syota pero pinatayan siya ng cell phone na labis na ikinasama ng loob ng binata.

Sinasabing itinapon pa ng biktima ang kanyang cell phone matapos na matanggap ang masakit na text message ng hindi pinangalanang kasintahan nito na nakipaghiwalay sa kaniya.

Ayon sa pulisya, wala namang palatandaang foul play sa kasong ito habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

BARANGAY AGBALO

CAMP CRAME

CAPIZ

CAPIZ PROVINCIAL

DIRECTOR P

DOMINGO CABILLAN

LUMILITAW

NOEL GONZAGA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with