BULACAN, Philippines – Kalaboso ang bagsak ng tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na drug pusher makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na follow-up operation sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Randy Korret ang mga suspek na sina Joseph Torres ng Brgy. Lawa; Roderick Dela Perre ng Bancal ext., Brgy. Bancal; at si Ramil “Pogi” Magdaraog ng Villa Samantha, Brgy. Caingin. Nasamsam sa mga suspek ang halagang P5, 000 cash mula sa bentahan ng bawal na droga.