^

Probinsiya

13-anyos dalagita ni-rape slay ng adik

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 13-anyos na dalagita matapos itong halayin ay pinagsasaksak pa ng  isang lalaki na sinasabing bangag sa bawal na droga sa Barangay Tagoc, Kabankalan City, Negros Occidental kamakalawa.

Pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Inocencia Tubal bukod pa sa mga galos at pasa sa katawan.

Base sa ulat ni Kabankalan City PNP director P/Supt. Calixto Mabugat, noong Huwebes ng gabi ay nabigong makauwi ang biktima kaya hinanap ito ng kanyang pamilya.

Bandang alas-10 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa masukal na bahagi sa nabanggit na barangay kung saan gula-gulanit ang suot na pang-itaas at walang saplot pang-ibaba.

Pinaniniwalaang ginahasa ang dalagita kaya inirekomenda na isailalim sa post-mortem examination.

Arestado naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Jan Jan Espresa, 18, residente rin ng nasabing lugar.

Si Espresa ay itinuro ng isa nilang kabarangay na nagmamay-ari ng matalim na kutsilyo na naiwan sa crime scene.

vuukle comment

ARESTADO

BANDANG

BARANGAY TAGOC

CALIXTO MABUGAT

HUWEBES

INOCENCIA TUBAL

JAN JAN ESPRESA

KABANKALAN CITY

NEGROS OCCIDENTAL

SI ESPRESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with