9 dakma sa drug-bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng siyam na sibilyan matapos madakma sa inilatag na operasyon ng pulisya sa magkakahiwalay na barangay sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Crisandro Ventura, Khristoffer Jeff Marcos, Michael Feliciano, Cesar Santos, Jimwell Caacbang, Liza Papa, Roberto Chua, Dodjie Dizon, at si Nelson Clemente. Ayon sa police report, sina Ventura at Marcos ay dinakma sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Panasahan, Malolos City kung saan apat na plastic sachets ng shabu ang nasamsam. Samantala ang iba pang tulak ay nasakote sa pot session at pagpapakalat ng bawal na droga sa Barangay San Martin De Pores at Barangay Malhacan, Meycauayan City.

Show comments