State of calamity sa mga binahang bayan
MANILA, Philippines - Isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Aleosan, Kabacan at Kidapawan City sa North Cotabato na dumanas ng grabeng pagbaha sa Region XII.
Kabilang din sa nagdeklara ng state of calamity sa Region IV-A ay ang mga bayan ng San Mateo, Jalajala at Tanay sa Rizal ang nadagdag sa talaan at ang lalawigan ng Cavite na muling nagdeklara ng state of calamity na hindi pa nakakabangon sa epekto ng bagyong Gener.
Samantala, nadagdag din sa talaan ay ang mga bayan ng Iba, San Antonio at Olongapo City sa lalawigan ng Zambales.
Idinagdag pa ang mga Barangay Diaz at Vacante sa bayan ng Bautista, Pangasinan na dumanas ng lagpas-tao at malakawang pagbaha.
Sa tala ng NDRRMC ang monsoon rains na nagdulot ng malawakang pagbaha ay grabeng nakapinsala sa may 2,035 barangays sa 156 munisipalidad, 34 lungsod sa 16 lalawigan sa Region 1, III, IV-A, IVB, VI at National Capital Region na nakaapekto sa may 598,622 pamilya (2.6M katao).
- Latest
- Trending