Tugboat lumubog: 7 Koreano nasagip
SUBIC BAY FREEPOR, Philippines — Pitong tripulanteng Koreano ang nasagip ng rescue team ng Philippine Coast Guard matapos lumubog ang tugboat sa karagatang malapit sa Capones Island, Zambales kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga nasagip ay sina Captain Jeon Hong Jong, 47, ng MV Cosco 202; Kim Kwang Soo, 59; Kim Chong Shil, 43; Jeong Ju, 60; Kim In Choi, 44; Kim Dong Yong, 30; at si Han Jung Jeong, 61. Base sa ulat, naglalayag ang MV Cosco 202 na may hila-hilang bargo na dadalhin sana sa Indonesia nang balyahin ng mala-dambuhalang alon. Dito na pinasok ng tubig ang barge kung saan nadamay ang tugboat. Rumesponde naman ang rescue team ng coast guard matapos makatanggap ng distress call mula sa papalubog na barko kaya nasagip ang mga tripulante.
- Latest
- Trending