169 estudyante, nalason
MANILA, Philippines - Umaabot sa 169 estudyante at mga staff ng Ateneo de Davao University ang naratay sa ospital matapos na malason sa inihandang pagkain sa ginanap na Su Generis Leaders Summit sa Davao City kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nilahukan ng 334 estudyante at staff ang nasabing event kung saan matapos mananghalian ng chicken adobo ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, matinding sakit ng ulo saka pagkahilo kaya isinugod sa Davao Doctors Hospital, San Pedro Hospital at Davao Medical School Foundation Hospital. Sa kabuuang 169 pasyente na nalason hanggang kahapon ay nasa 118 na ang outpatient sa mga ito. Sa pahayag ng ilang estudyante, masama na umano ang amoy ng chicken adobo na ipinakain sa kanila. Samantala, isinailalim naman sa pagsusuri ang sample ng pagkain na pinaniniwalaang kontaminado na kaya nalason ang mga ito.
- Latest
- Trending