P.5 kargamento hinaydyak

BULACAN, Philippines  – Tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng kargamento ang hinaydyak ng limang armadong kalalakihan na nagpakilalang mga pulis sa North Luzon Expressway sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon madaling araw. Sa ulat ni P/Senior Insp. Resty Granil, tinatahak ng delivery van (ZSG 909) ang North Luzon Expressway patungong Dagupan City, Pangasinan nang pagsabihan ng ilang kalalakihang lulan ng van. Agad namang inihinto ng driver ang delivery van para usisain ang likuran ng sasakyan na sinasabing bukas kung saan sinamantala naman ng mga armadong kalalakihan. Tinangay ang kargamento at inabandona sa bahagi ng Barangay Sta. Rosa sa Marilao ang driver ng van na si Angelito Delos Santos at mga pahinante nitong sina Luisito Segovia, at Chevee Vildosola.

 

Show comments